Philippine Azkals, lilipad na patungong Kathmandu para sa laban kontra Nepal

Sports – Paalis na mamayang hating gabi ang men’s national football team ng Pilipinas patungong Kathmandu para paghandaan ang crucial game nila laban sa Nepal sa November 14.

Kailangan kasi ng Philippine Azkals na maagang makapunta sa Nepal para masanay sa high-altitude ng Kathmandu ilang araw bago ang kanilang laro.

Manipis kasi ang hangin sa Kathmandu at isa itong bentahe sa home team na nais mapunan ng Azkals.


Kung mananalo ang Azkals siguradong pasok na sila sa tournament proper ng Asian Cup sa UAE.

Facebook Comments