Pulis na nasaksak ng drug suspect, binigyan ng parangal ng pangulo sa Malacañang

Manila, Philippines – Pinarangalan ni Pangulong Rorigo Duterte ang pulis na nakita sa viral video na sinaksak ng isang drug suspect na kanyang inaaresto.
Sa MalacaƱang ay ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu Kampilan Award si PO1 Ronald Anicete na sugatan matapos masaksak ng ilang beses pero nagawa parin nitong mabaril ang suspect na kanyang inaaresto.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na gagawaran pa niya ng karagdagang reward si Anicete sa oras na makarekober ito sa mga sugat na tinamo mula sa saksak ng drug suspect.
Nabatid na iginagawad ng Pamahalaan ang Order of Lapu-Lapu sa mga empleyado ng gobyerno kabilang na ang mga nasa unipormadong hanay na makatatamo ng anomang pinsala sa katawan sa pagganap sa kanilang tungkulin at isinusulong na adbokasiya ng gobyerno.

Facebook Comments