Sports – Hindi makakapaglaro kontra Yemen si Philippine Azkals midfielder Misagh Bahadoran sa susunod na buwan dahil sa tinamo nitong injury sa kaniyang kanang balikat noong Linggo.
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nabagsakan si Bahadoran ni Junior Muñoz sa laro ng Global Cebu FC at Ceres Negros FC sa Panaad Stadium para ma-dislocate ang acromioclavicular joint ng Azkals veteran.
Dahil dito hindi makakapaglaro si Bahadoran sa Asian Cup Qualifying game nila laban sa Yemen sa Oktubre 10 sa Doha, Qatar.
Sa Huwebes malalaman kung sasailalim sa operasyon si Bahadoran para maayos ang kaniyang balikat.
Facebook Comments