Philippine Bar Association, nakahandang magbigay ng legal assistance sa mga mamamahayag na kinasuhan ng libel ni Energy Secretary Alfonso Cusi

Nakahanda ang Philippine Bar Association (PBA) na magbigay ng legal assistance sa mga mamamahayag na sinampahan ng kasong libel ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Sa isang statement, sinabi ni PBA President Rico Domingo na hindi nag-iisa ang mga journalist.

Ayon pa kay Domingo, ibinibigay nila ang kanilang serbisyo bilang pagkilalala sa katapangan ng mga journalist sa pagtupad ng kanilang constitutional duty sa nakalipas na taon.


Ayon sa grupo, ang mga libel complaint na isinampa laban sa 7 news organizations ay maituturing na “stressful at financially-draining challenges”.

Nangangamba ang PBA na lumikha ng chilling effect sa hanay ng media ang mga asunto.

Giit ni Domingo, mahalaga ang papel ng mga mamamahayag sa paghahanap ng katotohanan.

Hamon niya sa mga journalists, patuloy na magsulat.

Magagawa lamang ito kung manatiling malaya ang media.

Batay sa reklamo ni Cusi, humihingi siya P200 million na bayad pinsala sa bawat news organization at sa mga journalist na nag-ulat ng graft complaint laban sa kaniya at kay Dennis Uy.

Facebook Comments