Hinimok ng Philippine Business for Education (PBEd) ang Department of Education (DepEd) na kumuha ng pinakamagagaling na guro sa Elementarya.
Ayon kay PBEd Executive Director Love Basillote, hindi lamang curriculum ang problema sa edukasyon kundi pati na rin ang mahinang klase ng mga guro kaya wala halos natututunan ang mga mag-aaral.
Paliwanag ni Basillote, hindi lang curriculum ang problema dahil kinakailangan ding mag-hire ng magagaling na guro sa elementary dahil ito ang pundasyon sa mga mag-aaral.
Hinikayat rin opisyal ang DepEd na bawasan ang curriculum sa elementarya at mag-focus pa lalo sa Reading at Mathematics.
Base sa datos ng Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019, nasa 10% lamang ng Grade 5 Filipino students ang naka-achieve sa minimum proficiency sa Reading, 17% sa Mathematics, at 2% lamang sa Writing kung saan mas mababa pa ang Pilipinas sa bansang Vietnam at Malaysia, dahil halos kapareho lamang o hindi kaya mas mas malala pa ang Pilipinas sa bansang Cambodia, ngunit angat lamang ng kaunti sa bansang Laos at Myanmar.
Giit pa ni Basillote, nakakaalarma na masyado ang krisis ng edukasyon sa bansa.
Ang SEA-PLM 2019 ay dinevelop para asistehan ang mga bansa sa Southeast Asia upang lalong masukat at lubos na maunawaan ang learning outcomes sa Reading, Writing, Mathematics at Global Citizenship sa Grade 5 learners.