Philippine Coast Guard, handa na sa pagtulong sa COMELEC para sa ligtas na 2022 elections

Handa na ang Philippine Coast Guard (PCG) para tumulong sa Commission on Elections (COMELEC) sa darating na national and local elections.

Ayon kay Coast Guard Officer-in-Charge, Vice Admiral Eduardo Fabricante, magsisilbing security augmentation ang PCG sa COMELEC para sa pangkalahatan kaligtasan at mapayapang halalan.

Inatasan ni Fabricante ang lahat ng Coast Guard officers sa lahat ng pantalan sa bansa na alalayan ang COMELEC sa lahat ng paghahanda nito para sa nalalapit na halalan.


Bukod sa deployment ng mga personnel at paggamit ng K9 teams, gagamitin din ang mga sasakyan at mga barko nito gaya ng rubber boats at mga maliliit na watercraft sa sandaling kailanganin ng COMELEC o ng Local Government Units (LGUs) sa paghahatid ng mga poll personnel, paraphernalia at mga kagamitan sa mga liblib na komunidad.

Tutulong ang PCG sa COMELEC upang ipatupad ang election laws, patakaran at mga regulasyon sa saklaw na karagatan ng bansa at pantalan kung saan magpapakalat din ng tropa upang mahadlangan ang gagawa ng karahasan sa mapayapang halalan.

Mahigpit namang pinagbawalan ni Fabricante ang mga kawani ng Coast Guard na sumali sa mga political activities sa buong bansa.

Facebook Comments