Kontrata para sa pagbili ng dagdag helicopters ng AFP, nilagdaan na ng DND

Nilagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kontrata para sa pagbili ng Department of National Defense (DND) ng 32 karagdagang Sikorsky S70i Blackhawk utility Helicopters sa PZL Mielic ng Poland.

Maliban sa mga bagong helicopter, kasama sa 624 na milyong dolyar na kontrata ang integrated logistics support at training package para sa mga piloto at maintenance crew.

Matatandaang nakumpleto na ng PZL Mielic noong nakaraang taon ang pag-deliver ng 16 na Blackhawk na unang binili ng DND.


Umaasa si Lorenzana na masisimulan sa lalong madaling panahon ang pag-deliver nang panibagong order na Blackhawk helicopters.

Sinabi ni Lorenzana, nasisiyahan ang Philippine Air Force sa kapabilidad ng Blackhawk helicopter.

Kasama ni Lorenzana sa signing Ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon si Janusz Zakrecki, ang Pangulo ng PZL Mielec.

Facebook Comments