Philippine Coast Guard, maglalagay ng sub-station sa Zambales para tumutok sa Bajo de Masinloc

114

Magtatayo ang Philippine Coast Guard (PCG) ng karagdagang sub-station sa Barangay La Paz, San Narciso, Zambales na humigit-kumulang 250 kilometro ang distansya sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Layon nito na mapalakas ang maritime security at maritime safety sa West Philippine Sea (WPS).


Isang memorandum of agreement ang pinirmahan ng PCG at ng Barangay La Paz na nagpapahintulot na gamitin ng Coast Guard ang 100 square meters na lote para sa pagpapatayo ng isang sub-station sa lugar.

Sa oras na masimulan ang operasyon ng PCG Sub-Station sa San Narciso, magiging mas maagap ang PCG sa pagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng mga lokal na mangingisda ng Zambales.

Matututukan din ang pagtataguyod ng Marine Environmental Protection dahil ang San Narciso ay tahanan ng siyam na beach resort na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente at nagpapalakas sa lokal na turismo.

Facebook Comments