Bilang ng mga Pinoy na gumaling sa COVID-19 sa abroad, mahigit 12,000 na

26

Umaabot na sa 12,096 ang mga Pilipino sa ibayong dagat ang gumaling sa COVID-19.

Ito ay matapos na 3 pang Pinoy sa abroad ang naka-recover sa COVID-19.


2 naman ang bagong kaso at walang nadagdag sa hanay ng mga binawian ng buhay.

Sa ngayon, 20,424 na ang kabuuang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.

Sa nasabing bilang, 7,108 ang aktibong kaso habang ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay umaabot na sa 1,220.

Facebook Comments