Philippine Coast Guard, magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng mga beach bilang paghahanda sa summer season

78

Manila, Philippines – Mag-iinspeksyon sa lahat ng mga beach ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa summer season.

 

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo – nais nilang matiyak na magiging ligtas ang mga local at foreign tourist na bibisita sa mga beach resort sa bansa.

 

Kabilang sa mga iinspeksyunin ay kung may mga signage at floating markers sa lugar gayundin ang presensya ng mga lifeguard.

 

Plano rin ng PCG na sanayin ang mga lifeguard sa Batangas at Subic na siyang madalas puntahan ng mga turista.

Facebook Comments