Public school teacher sa sulu, dinukot ng Abu Sayyaf; bihag ng teroristang grupo, umakyat na sa 32

Manila, Philippines – Dinukot ng mga miyembro ng Abu Sayyaf  Group (ASG) ang isang public school teacher sa Sulu.

 

Kinilala ang biktima na si Ibrahim Potong, guro ng Jolo National High School.

 

Ayon kay Joint Task Force  Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana  Jr.,  pauwi na  sa   kanilang bahay  sa  bayan ng maimbung si Potong nang dukutin ito ng mga bandido.

 

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar para sagipin ang bagong  bihag.

 

Dahil dito, umakyat na sa 32 ang kabuuang bilang ng bihag ng ASG na karamihan ay mga dayuhan.

Facebook Comments