Sinimulan na ng tropa ng Philippine Coast Guard ang paglalagay ng mga bouy o boya sa palibot ng Taal Lake matapos ang pag alboroto nito kamakailan.
100 boya na magsisilbing mga markers sa 7 kilometer radius danger zone sa lawa ng Taal ang inilagay ng Coast Guard.
Ang mga marker na inilagay sa Taal Lake ay bilang paalala sa mga mangingisda kung hanggang saan ang sakop ng 7 kilometer danger zone.
Sa pagpapatrolya kanina ng Philippine Coast Guard Task Force Taal, may inabutan silang mga bangka na nasa Taal Lake.
Sa kabila ito ng deklarasyon ng total lockdown sa lugar.
Dahil dito, muling nakiusap ang PCG sa mga residente sa lugar na makipagtulungan sa kanila at sumunod sa mga awtoridad para na rin sa kanilang kaligtasan.
Facebook Comments