Naka-heightened alert na Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda nila sa paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo at sa Summer Vacation 2021.
Kaugnay nito, inabisuhan na PCG ang kanilang mga districts, stations, at sub-stations na maghanda sa pagdagsa ng mga pasahero partikular ang mga Returning Overseas Filipinos (ROFs), authorized persons outside residence (APORs), at iba pang essential na pasahero.
Sa ilalim ng ‘Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa & Summer Vacation 2021’, inatasan ni PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. ang pagdaragdag ng K9 units, medical teams, at deployable response groups (DRGs) sa lahat ng malalalaking daungan at mga pier.
Ito’y para masigurong maayis ang paglabas-pasok ng pasahero gayundin ang mga biyahe ng barko.
Mahigpit rin babantayan ng PCG ang mga pasahero at mga tauhan ng barko kung nasusunod ang ipinapatupad na minimum health protocols.
Ipinag-utos na rin ni Admiral Ursabia ang pagdaragdag ng harbor patrollers at vessel inspectors para mahigpit na ipatupad ang maritime security at maritime safety measure sa pakikipagtulungan ng Local Government Units (LGUs) at iba pang ahenisya ng pamahalaan.
Bukod sa pagpapanatili ng health and safety protocols, 24/7 nakaantabay ang mga lifeguards, rescue equipment, at first aid facilities sa mga major tourist destinations.