Philippine Coast Guard, nakaalerto na sa posibleng pananalasa ng bagyong Rolly

Nakaalerto na ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pananalasa ng bagyong Rolly sa bansa.

Ayon sa PCG, inatasan na ni Commandant, Admiral George Ursabia Jr. na ilagay sa heightened alert ang mga district, stations at sub-stations sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.

Kabilang dito ang kanilang mga opisina sa Bicol Region, Eastern Visayas, Southern Tagalog at Northern Luzon.


Makipagtutulungan din ang PCG sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sakaling magpatupad na ng evacuation sa mga residente bago pa man ang pagtama ng Bagyong Rolly.

Facebook Comments