PNP personnel na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan

55

Umabot na sa 7, 141 ang mga Philippine National Police (PNP) personnel na positibo sa COVID-19.

Batay ito sa ulat ng PNP Health Service matapos na madagdag kahapon ang 44 na pulis na dinapuan ng COVID-19 at sa bilang na ito, 556 active cases.


Sa 44 na bagong naitalang COVID-19 cases, 9 ang nagmula sa NCRPO, 7 sa Police Regional Office (PRO) 4B, 6 sa PRO BAR, 5 sa PRO 2, 3 sa National Operation Support Unit, 2 sa PRO 8 at PRO COR at tig-iisa ang naitala sa NASU, PRO 1, PRO 4A, PRO 6, PRO 9 at PRO 11.

Good news naman dahil kahapon ay nakapagtala ang PNP Health Service ng panibagong 31 recoveries kaya umabot na sa 6,563 ang recoveries sa ahensya.

Nanatili naman sa 22 ang bilang ng mga namatay matapos magpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments