Philippine Coast Guard, nakabantay sa mga turistang nagtatangkang lumapit sa Bulkang Taal

Umapela ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nagtatangkang magtungo sa bisinidad ng Bulkang Taal sa Batangas na huwag magtangkang lumapit sa isla.

Kasunod ito pagtaas sa Alert Level 2 sa bulkan.

Kahapon, anim na mga lokal na turistang nagtungo sa isla ng Bulkang Taal ang inaresto ng PCG.


Nagtangka sana ang mga ito na mag-ikot sa crater ng Bulkang Taal pero agad naharang sila ng mga tauhan ng PCG.

Ang mga naaresto ay mga lokal na turista mula sa Balete, Batangas.

Facebook Comments