Philippine Coast Guard, walang nakikitang senyales na may survivors sa 14 na tripulante ng F/V Liberty 5

183

Inamin ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala silang nakikitang palatandaan na may survivors sa 14 na nawawalang tripulanteng Pinoy na sakay ng fishing boat na F/V Liberty 5 na nabangga ng Hong Kong vessel sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Sa kabila nito, umaasa ang PCG na dahil sa malakas na habagat ay napadpad lamang ang mga mangingisda sa coastline ng Mindoro.


Nilinaw rin ng Philippine Coast Guard na hindi pa nila maaaring ideklarang patay ang missing na mga tripulante.

Anila, masyado pang maaga para sabihin na patay na ang mga ito at umaasa pa rin sila na buhay ang 14 na nawawalang mangingisda.

Kahapon, inihayag ng PCG na tanging mga debris na lamang ang kanilang nakita sa lugar na pinangyarihan ng insidente bukod pa tuluyan nang lumubog ang F/V Liberty 5.

Facebook Comments