Hinikayat ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang mga negosyante na mamuhunan sa lokal na industriya ng pagniniyog upang mapalawig ang kalakal ng bansa at matulungan ang mga magsasaka na tumaas ang kanilang kita.
Sa ika-35 na selebrasyon ng National Coconut Week nitong Agosto 3, inihayag ni PCA Administrator Benjamin Madrigal Jr. na sa kabila ng epektong dulot ng COVID-19 pandemic ay maaari pa ring mapaunlad ang industriya ng pagniniyog.
Sa ngayon, inilunsad ng ahensya ang Coconut Farmers and Industry Roadmap na layong gabay ng mga coconut farmers patungo sa maayos at pantay na kita kabilang na rin ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Facebook Comments