Walo, patay habang 13 sugatan matapos tumaob ang isang bangka sa China

Aabot sa walo ang patay habang 13 ang sugatan matapos tumaob ang bangka sa Beihai City, China.

Ayon sa otoridad, pauwi galing fishing trip ang bangkang may sakay na 61 katao nang tumaob ito malayo sa pampang ng Beihai’s Tieshangang District.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima kabilang ang mga nahulog sa dagat at may-ari ng nasabing bangka.


Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang otoridad ukol sa nangyaring trahedya.

Facebook Comments