Katanggap-tanggap para sa Philippine College of Physicians (PCP) ang pagkakahirang kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge ng Department of Health (DOH).
Sa isang pahayag, kinilala ng grupo ang pagiging boses ni Usec. Vergeire sa integridad at kahinahunan sa gitna ng laban sa novel coronavirus pandemic.
Ayon pa sa pahayag, mahusay na napangasiwaan ni Vegeire ang kagawaran ng may mahinahong optimismo na kakayaning malagpasan ang krisis nang sama-sama.
Bilang officer-in-charge, umaasa ang PCP na mabibigyang praroyidad ang pagpapatupad ng mga kongkretong plano kontra COVID-19 pandemic.
Kabilang din dito ang agresibong booster vaccination at iba pang major health issues tulad ng banta ng dengue, HIV at tuberculosis cases.
Nais ding makita ng grupo ang kongkretong hakbang upang higit na maipatupad ang universal health care.