Philippine Consulate General sa Jeddah, nag-abiso sa Pinoy Muslim pilgrims sa pinaikling validity ng Umrah entry visa

Nag-abiso ang Philippine Consulate General sa Jeddah kaugnay ng pinaikling validity ng Umrah entry visa para sa mga pilgrims sa Saudi Arabia.

Mula sa tatlong buwan na validity, ginawa na lamang itong isang buwan ng pamahalaan ng Saudi Arabia.

Nagpaalala ang Konsulado ng Pilipinas na ang mga mabibigong sumunod sa bagong patakaran ay awtomatikong kakanselahin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang Umrah entry visa.

Pinayuhan din ng Philippine Consulate ang mga Filipino expatriates at Umrah pilgrims na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe at sumunod sa mga bagong requirement upang maiwasan ang abala.

Facebook Comments