Nababahala na ang Philippine Consulate sa Macau sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipino roon na nai-infect ng COVID-19.
Ayon sa Konsulada, 24.5% ng COVID positive ngayon doon ay mga Pinoy.
Nangangahulugan ito na isa sa bawa’t apat na nagpopositibo ngayon sa COVID-19 sa Macau ay mula sa Filipino community.
Kaugnay nito, muling umaapela ang Philippine Consulate sa mga Pinoy sa Macau na manatili muna sa kanilang tirahan kung wala silang mahalagang pakay sa labas.
Kung kinakailangan namang lumabas ay kailangang magsuot ng KN95 mask.
Facebook Comments