Dating salapi, dapat madaling gamitin sa transaksyon, pero may sapat na proteksyon ayon sa isang senador

80

Iginiit ni Senator Joel Villanueva na simple lang ang kailangan natin sa ating salapi at ayun ay madaling gamitin sa kahit anong transaksyon at may sapat na proteksyon laban sa counterfeiting o pagpeke.

Diin ni Villanueva, kahit anong materyal ang gamitin sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP para sa ating bank notes, praktikalidad at seguridad pa rin ang importanteng konsiderasyon sa bawat bagong disenyo ng ating salapi.

Pahayag ito ni Villanueva kasunod ng napabalitang insidente ng hindi pagtanggap ng isang mall sa nakatuping 1,000 pesos polymer banknotes mula sa isang customer.


Kaugnay nito ay hiniling din ni Villanueva sa BSP na maging mas malinaw at mas masigasig sa kanilang information campaign tungkol sa bagong polymer bills para hindi magdulot ng kalituhan.

Facebook Comments