Philippine Consulate, kinumpirma na isang Pinay domestic worker ang nahulog sa isang gusali sa Hong Kong

Kinumpirma ng Philippine Consulate na Filipino domestic worker ang 27-anyos na nahulog sa isang hotel sa Hong Kong.

Na-recover ng mga pulis at paramedic ang katawan ng biktima sa terrace ng hotel.

Wala namang natagpuang suicide note ang mga imbestigador kaya pinaniniwalaang aksidente itong nahulog mula sa rooftop ng hotel.


Sa kabila nito, patuloy ang malalimang imbestigasyon ng Hong Kong police sa insidente.

Facebook Comments