Walk-in, ipinagbabawal muna sa MOA Mega Vaccination Hub sa Pasay

45

Hindi na muna tumatanggap ng walk-in sa MOA Mega Vaccination Hub sa Pasay City.

Ayon sa midwife na si Lilibeth Ortega na siya ring supervisor sa vaccination hub, tumanggap lamang sila ng walk-in vaccinees sa 3 araw na National Vaccination Drive.

Ngayong araw na ito ay pawang mga menor de edad ang dumagsa sa mega vaccination hub sa Pasay City.


Umaabot sa mahigit dalawang libo ang mga nabakunahan dito ngayong araw.

Pfizer ang brand na tinurok sa kanila habang AstraZeneca naman na booster shots sa adults.

Tiniyak naman ni Ortega na magpapatuloy ang bakunahan dito sa mega vaccination hub sa MOA.



Facebook Comments