Philippine consulate, magsasagawa ng consular outreach mission sa mga Pinoy na nasunugan ng passport sa wildfire sa Hawaii

Magsasagawa ng consular outreach mission ang Philippine Consulate General sa Honolulu sa mga Pilipinong naapektuhan ng wildfire sa Maui, Hawaii.

Partikular ang mga Pinoy roon na nasunugan ng passport dahil sa wildfire.

Pinapayuhan naman ng Konsulada ng Pilipinas ang mga naapektuhang Pinoy na magtungo lamang sa Office of the Maui Immigrant Services Division.


Sa ngayon, patuloy na tinutunton ng Philippine Consulate General ang mga Pilipinong naapektuhan ng wildfire sa nasabing isla.

Libu-libong mga bahay at gusali ang natupok sa wildfire sa Hawaii.

Facebook Comments