Philippine Consulate sa Hong Kong, maghihigpit sa pag-iisyu ng endorsement letter para sa police clearance ng OFW na pupunta sa ibang bansa

Nilinaw ng Philippine Consulate sa Hong Kong na hindi sila basta-basta magbibigay ng endorsement letter sa para sa Certificate of No Criminal Conviction (CNCC) sa Filipino workers doon na nag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa

Nilinaw ito ni Consul Paul Saret, matapos silang dagsain ng OFWs partikular ang mga nag-a-apply patungo ng Europe o sa Australia.

Aniya, kung nais ng mga Pinoy sa Hong Kong na lumipat ng ibang bansa, kailangan nilang umuwi muna ng Pilipinas para sa pagproseso ng kanilang bagong employment sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Facebook Comments