Philippine Consulate sa Hong Kong, nag-abiso na kasama na rin ang cannabidiol sa itinuturing na illegal drugs doon

Nag-abiso ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa lahat ng Filipino nationals doon na kabilang na rin ang cannabidiol sa itinuturing sa Hong Kong na prohibited substance.

Ito ay sa ilalim ng dangerous drug ordinance ng Hong Kong.

Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, ang sino mang mahuhulihan ng nasabing substance ay mahaharap sa minimum na parusang multa na 1 million Hong Kong dollars at pagkakakulong ng pitong taon.


Habang ang maximum naman na penalty ay habambuhay na pagkakakulong at multang 5-million Hong Kong dollars.

Ang compound ng cannabidiol ay nakukuha sa marijuana.

Facebook Comments