Philippine Consulate sa Macau, mas maghihigpit pa ng COVID protocols

Lalo pang naghigpit ang Philippine Consulate sa Macau sa COVID-19 protocols doon.

Sa harap ito ng patuloy pang pagtaas ng kaso ng infection doon.

Batay sa bagong advisory ng Konsulada ng Pilipinas, ipagbabawal na ang matagal na pananatili sa loob ng mga may transaksyon.


Nangangahulugan ito na kailangang umalis agad ng konsulada pagkatapos ng transaksyon.

Kailangan ding mag-scan ng venue code gamit ang Macau Health Code App.

Bukod pa ito sa pagdaan sa thermal scanner, paglalagay ng hand sanitizer at ang pananatili ng social distancing.

Facebook Comments