Brigada Balik Eskwela 2022, ikinasa na sa mga paaralan na sakop ng lungsod ng Maynila

43

Sa pagpapatuloy na paghahanda sa pagbabalik ng pasok ngayong buwan ng Agosto, sinimulan na ng mga paaralan sa lungsod ng Maynila ang Brigada Balik Eskwela 2022.

Partikular sa bahagi ng District 3 Public School sa P. Gomez Elementary School Manila kung saan boluntaryo namang nakibahagi ang ilang mga mag-aaral kabilang na ang maraming magulang.

Ilan sa mga ginawa ay ang paglilinis sa lahat ng silid-aralan, paghahakot ng mga basura, pagsasaayos ng mga upuan, lamesa, blackboard na gagamitin ng mga estudyante at guro, pagpipintura at iba pa na may kaugnayan sa paghahanda sa nalalapit na pasukan.


Nakibahagi rin sa nasabing aktibidad ang pamunuan ng Department of Engineering Public Works (DEPW).

Sila ang nanguna sa pagpuputol ng mga lumalagpas na sanga ng puno sa paligid ng mga eskwelahan sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments