Umapela ang Philippine Consulate sa Macau sa employers ng Pinoy workers doon.
Sa harap ito ng pagkakaantala ng sweldo ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) doon sa gitna ng COVID-19 surge sa Macau.
Ilan kasi sa mga Pilipino doon ang nagugutom na dahil sa hindi pinapa-sweldo ng kanilang employer.
Sa ngayon, restricted pa ang galaw ng publiko sa Macau dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 doon.
Facebook Comments