PESO Valenzuela, maglulunsad ng mega job fair katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

41

Bilang bahagi ng serbisyo-publiko, muling nagpulong ang Valenzuela Public Employment Services Office (PESO) at DZXL 558 Radyo Trabaho upang pag-usapan ang ikakasang mega job fair sa lunsod na may layuning tulungan ang mga job seeker.

Ayon kay Valenzuela City PESO Manager Josephine “Ophie” Pascual Osea, tiyak na dudumugin ang nasabing job fair dahil marami talagang nangangailangan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemya.

Bukod sa mga barangay, naglagay na rin ng opisina ang PESO Valenzuela sa mga unibersidad at paaralan sa lungsod para direktang makahanap ng trabaho ang mga bagong graduate.


Facebook Comments