Philippine Consulate sa New York, dumepensa sa pagpalag ng Isang poll watchers kaugnay ng antigen result requirement

Nagpaliwanag ang Philippine Consulate General sa New York matapos ang paghahain ng protesta ng isang poll watcher ng isang political party doon.

Kasunod ito ng requirement na dapat ang poll watchers sa overseas absentee voting ay magprisinta ng negatibong resulta ng rapid antigen result bago payagang makapag-obserba sa proseso ng halalan.

Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, nasa mandato ng Commission on Elections (COMELEC) ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health protocols sa pagdaraos ng eleksyon.


Bukod aniya rito, 70% ng kanilang mga tauhan ang nagpositibo sa COVID-19 bago pa man magsimula ang overseas absentee voting.

Nilinaw din ng Philippine Consulate na hindi naman mahirap na requirement ang pagpiprisinta ng rapid antigen result dahil sa libre lang naman ito at kahit saang lugar sa New York ay mayroong ganitong serbisyo.

Facebook Comments