COMELEC, nanindigan sa maayos na halalan sa May 9

Pinawi ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangamba ng sambayanan sa automated elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, alam nila na madaling napagdududahan kapag automated system ang halalan.

Pero dahil aniya sa mga aktibidad gaya ng walkthrough ng servers ay matitiyak ang integridad ng halalan.


Nanindigan din ang poll body sa transparent at malinaw na election processes at phases.

Facebook Comments