Philippine contingent, nakaalis na patungong Myanmar

Lumipad na patungong Myanmar ang nasa 131 na bahagi ng Philippine contingent na tutulong sa humanitarian assistance at disaster response sa Myanmar na niyanig ng 7.7 na lindol kamakailan.

Binubuo ito ng mga sumusunod:

11 mula sa 505th search and rescue group
10 mula sa Philippine Army
10 mula sa Bureau of Fire
10 mula sa Metropolitan Manila Development Authority
15 mula sa DENR
Tatlo sa Office of Civil Defense
32 mula sa Philippine Emergency Medical Assistance Team ng Department of Health
40 sa bahagi ng flight team


Sakay sila ng dalawang C130 plane kasunod ng isinagawang send off ceremony kaninang madaling araw sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Dala-dala rin ng Philippine contigent ang iba’t ibang life saving equipment gaya ng hydraulic cutter, snake eye camera, listening device, power generator, rescue saw, air ventilator at marami pang iba na makatutulong para rumisponde sa patuloy na isinisagawang operasyon sa Myanmar.

Facebook Comments