Philippine Council for Foreign Relations, nababahala sa presensya ng mga Chinese vessel sa Julian Felipe Reef

Ikinabahala ng Philippine Council for Foreign Relations (PCFR) ang presensya ng mga Chinese vessel sa Julian Felipe Reef.

Sa isang statement, sinabi ng PCFR na hindi ordinaryong barkong pangisda ang nasa Julian Felipe Reef sa halip mga maritime militia vessel na banta sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

Panghihimasok umano ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na mayroong exclusive sovereign rights at hurisdiksyon sa lugar.


Sinabi pa ng grupo, iligal ang pag-okupa ng China sa teritoryo lalo pa at wala namang basehan ang pag-angkin nila dito.

Giit ng grupo, may hatol na ang Arbitral Tribunal noong 2016 na nakasaad sa 200 EEZ ng Pilipinas.

Sa ngayon nakikiisa ang PFCR sa Department of Foreign Affairs at Department of National Defense, sa pagpapaalis ng barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Facebook Comments