Philippine delegation, lumahok sa International Military and Technical Forum sa Russia

Russia – Dumalo ang Philippine Delegation na binubuo ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa International Military and Technical Forum o “Army 2017” sa Moscow, Russia.

Ang delegation ay pinangunahan ni Defense Undersecretary Raymundo Elefante, Maj. General Cabreros, Vice Commander ng Philippine Army, Brig. General Ernesto Lopena, Commander, AFP Procurement Center, at iba pang opisyal ng militar.

Ayon sa DFA, habang nasa Moscow, nakipagkita ang delegasyon ng bansa sa mga concerned Russian officials sa posibilidad na pagbili ng mga Russian military equipment para sa Pilipinas.


Sinabi ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, ito ay isang mahalagang hakbang sa mga pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang defense at security cooperation.

At ang pag-eksamin sa mga kagamitan ng Russia at pag-usapan ang posibleng mga terms o tuntunin na a nakabatay sa pangangailangan ng depensa at pambansang interes.

Mahigit sa 1,200 Russian at foreign companies at organizations ang nag-displayed at nag-exhibited ng defense at military products.

Kabilang sa Foreign exhibitors ang 78 defense-related companies mula Armenia, Belarus, India, Kazakhstan, China, Pakistan, Slovakia, Thailand, Turkey, France, Estonia, the Czech Republic, South Africa, at South Korea.

Facebook Comments