Senator Gordon, nagbigay ng counter statement kasunod ng inihaing manifestation ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Nagbigay ng counter statement si Senador Richard Gordon kasunod ng inihaing manifestation ni Senador Antonio Trillanes IV kung saan niya kinuwestiyon ang ethics complaint laban sa kanya.

Ayon kay Gordon, naghain siya ng reklamo para protektahan ang kanyang sarili at ang dangal ng Senate Blue Ribbon Committee.

Nagbabala naman si Trillanes na ilalantad niya ang katiwalian ni Gordon bilang chairman ng Philippine Red Cross.


Sagot naman ni Gordon, tanggap niya na sabihan siya ng korap basta’t huwag lang idadamay sa isyu ang PRC.

Facebook Comments