Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang epektibong kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.
Ayon kay PDEA Director Isidro Lapeña – tumaas ng 77-porsyento ang isinasagawang anti-drug operations kumpara sa nakaraang administrasyon.
Nasa 1.3 million na drug addict ang sumuko sa otoridad habang higit 80,000 na drug suspect ang naaresto.
Lumabas din sa kanilang report na nasa 300 government workers ang sangkot sa ilegal na droga.
Ipinagmalaki rin ni Lapeña na makikipagtulungan na rin ang Moros Islamic Liberation Front (MILF) sa pagsupil sa problema
Dahil dito, binanatan ni Pangulong Duterte ang mga patuloy na bumabatikos sa kanyang ‘war on drugs’.
Sa datos ng PDEA, sa higit 40,000 barangay sa buong bansa, higit tatlong libo pa lamang nalilinis sa ilegal na droga.