Tiniyak ng Philippine Eagle Foundation (PEF) na nasa mabuting kalagayan ang ilan pa sa mga Philippine Eagle na nasa pangangalaga ng Philippine Eagle Center (PEC).
Kasunod ito ng pagkamatay ng kauna-unahang captive bred Philippine Eagle na si Pagasa, dulot ng infection na may kinalaman sa Trichomoniasis at Aspergillosis.
Sa interview ng RMN Manila, Sinabi ni PEF Executive Director Dennis Salvador na patuloy ang ginagawa nilang pag-rescue sa mga agilang biktima ng shooting at iligal na paghuli
Sa katunayan aniya, noong magsimula ang community lockdown ay tumaas ang bilang ng mga agilang biktima ng pamamaril.
Kasabay nito, nanawagan si Salvador sa publiko na agad na i-report sa kanilang tanggapan kung makakasaksi ng shooting, pananakit o iligal na paghuli sa mga ito.