Isasagawa bukas ang Philippine economic briefing sa Tokyo, Japan.
Ito ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.
Sa press statement, sinabi ng kalihim na tatalakayin sa economic briefing ang invesment opportunities sa bansa.
Sa unang bahagi ng business opportunities ay nakapaloob ang strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan lalo na ang economic at defense cooperation dalawang bansa na ipipresenta ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Susundan naman ng panel discussion kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kanyang economic team kung saan kasama mismo si DBM Secretary Pangandaman, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.
Sa panig ni Secretary Pangandaman inaasahang ipipresenta nito ang mga mahahalagang features ng Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (GAA), updates patungkol sa Expenditure Accounts, Budget Reforms Initiatives at maging ang mga priority legislative agenda ng Marcos administration.
Sa ikalawang bahagi ng forum ay tatalakyin naman ang may kaugnayan sa imprastratura at industry sectors.
Ang mga panelist dito ay ang mga kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism (DOT) at Department of Transportation (DOTr).
Inaasahang din magbibigay ng speech si Pangulong Marcos.
Magkakaroon din daw ng roundtable meetings kasama ang mga corporate leader, magkakaroon ng pirmahan sa ilang letters of intent o kasunduaan, mayroon ding luncheon and networking event at pagpupulong sa mga business forum organizer.
Batay sa ulat ng DBM, nakapagsagawa na ang economic team ng Marcos administration ng tatlong Philippine economic briefing, ang mga ito ay sa Franfurt sa Germany, London, Singapore at Amerika noong nakaraang taon.