Posibleng mas maagang dumating sa bansa ang COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer.
Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nakikipagtulungan na ang Embahada sa ibang ahensya ng gobyerno para makakuha ng Pfizer COVID-19 vaccine bago ang naunang target sa kalagitnaan ng 2021.
Nakausap din aniya niya si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at umaasa silang makakakuha na ng bakuna ang Pilipinas sa Abril.
Bukod sa bakuna ng Pfizer, maaari ring makakuha ang bansa ng mga bakunang gawa ng Johnson & Johnson.
Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon para sa Phase 3 Clinical Trial ng Janssen COVID-19 vaccine.
Facebook Comments