Philippine Embassy: Resupply mission sa Ayungin Shoal, binantayan din ng US

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na binantayan ng Amerika ang ginawang resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Romualdez, ginawa ng US ang monitoring nito sa pamamagitan ng satellite.

Una nang kinumpirma ng Philippine Coast Guard na matagumpay ang naging resupply mission ng tropa ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.


Tiniyak naman ng US government na may koordinasyon sa pamahalaan ng Pilipinas ang anomang military activities ng Amerika sa Pilipinas.

Facebook Comments