Philippine Embassy sa Bangkok at sa South Korea, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng plane crash sa South Korea

Kapwa nagpa-abot ng pakikiramay ang mga Embahada ng Pilipinas sa South Korea at Thailand sa pamilya ng mga nasawi sa trahedyang kinasasangkutan ng Jeju Air sa Muan International Airport sa South Korea.

Ang naturang flight ay nagmula sa Bangkok, Thailand kung saan 179 sa mga sakay at crew nito ang nasawi.

Dalawa namang crew ang nakaligtas na kinabibilangan ng isang babae at isang lalaki.


Ayon sa Philippine Embassy sa Bangkok, batay sa report na pinaabot ng Korean authorities sa Philippine Embassy sa Seoul, walang Pinoy na sakay sa nasabing flight.

Ang naturang eroplano ay nag-crash landing paglapag sa Muan International Airport.

Facebook Comments