
Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa Brunei Darussalam sa Pamahalaan at mamamayan ng People’s Republic of Bangladesh kaugnay ng pagpanaw ng dating Bangladeshi prime minister na si Begum Khaleda Zia.
Bilang pagpapahayag ng pakikiramay, lumagda sa Book of Condolence ang Chargé d’Affaires, a.i., Minister and Consul ng Philippine Embassy sa Brunei na si Bernadette A. Mendoza.
Kinilala rin ng embahada ang mahalagang ambag ni Khaleda Zia sa kasaysayan ng Bangladesh bilang kauna-unahang babaeng prime minister ng nasabing bansa.
Facebook Comments










