Monday, March 23, 2026

Philippine Embassy sa Doha, patuloy ang pakikipag-ugnayan para sa pagtawid ng OFWs palabas ng Qatar

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Doha na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa iba pang embahada ng Pilipinas sa Middle East upang mapadali ang land crossing ng mga OFW palabas ng Qatar.

Tuloy-tuloy din ang koordinasyon ng embahada sa mga local authorities sa Doha at sa iba’t ibang diplomatic missions upang mapabilis ang pagtawid ng mga Pilipinong uuwi sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, sarado pa ang airspace ng Qatar dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Karamihan sa mga Pilipinong tumatawid mula Qatar ay dumadaan sa land crossing patungong Saudi Arabia, at mula roon ay sumasakay ng eroplano patungong Pilipinas.

Facebook Comments