Nagbabala ang Philippine Embassy sa Pinoy caregivers sa Israel na may negosyo tulad ng balikbayan o cargo delivery na ito ay labag sa batas ng Israel.
Ayon sa embahada, ito ay labag sa kanilang visa o employment contract at maaaring maipa-deport dahil dito.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy na gumagawa na sila ng mga hakbang kaugnay ng reklamo ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pagka-antala ng kanilang balikbayan boxes.
Pinapayuhan naman ang mga Pinoy sa Israel na makipag-transaksiyon lamang sa mga lisensiyado o legal na kompanya o ahente ng balikbayan box.
Facebook Comments