Nagtipon-tipon ang Filipino Community sa Israel sa pag-obsersa sa All-Souls’ Day.
Ginawa ang pagtitipon sa tanggapan ng Embahada ng Pilipinas kung saan isinagawa ang prayer memorial service sa mga Pilipino na namatay sa pag-atake ng Hamas.
Bago sinimulan ang panalangin at programa, nagbigay ng instruction ang Philippine Embassy na sandaling makarinig sila ng sirena na hudyat na may papasok na rocket, sila ay agad na tutungo sa ligtas na bahagi ng gusali.
Kabilang sa nasawi si Angelyn Aguirre, ang Pinay caregiver na pinatay ng Hamas matapos niyang balikan ang kanyang inaalagaang Israeli sa kasagsagan ng paglusog ng Hamas.
Ang labi ni Aguirre ay dadating sa bansa ngayong araw na ito.
Facebook Comments