Philippine Embassy sa Libya, naghahanda na ng contingency plan sa harap ng kaguluhan sa nasabing bansa

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Libya na naghahanda sila sa contingency plan sa harap ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Libya.

Ayon sa embahada, ang ginagawa nilang online registration at mapping sa mga Pilipino doon ay bahagi ng plano para sa posibleng paglilikas sa mga Pinoy doon.

Kaugnay ito ng nagaganap na kaguluhan sa Zawiya District at mga karatig na lugar doon.


Sa ngayon, malaking bilang na rin ng mga Pinoy sa Libya ang nagpatala sa Philippine Embassy.

Muling namang nag-abiso ang embahada sa mga Pinoy sa Zawiya District at mga karatig na lugar na maging maingat at alerto.

Facebook Comments