DOH, nagbabala sa posibleng measles outbreak sa susunod na taon

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng measles outbreak sa susunod na taon.

Inihayag ito ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire matapos ang kanilang pakikipagpulong sa World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Vergeire na marami kasing mga bata ang hindi pa fully-immunized.


Aniya, noong kasagsagan kasi ng pandemic ay hindi makalabas ang mga magulang para pabakunahan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments